Pinabulaanan ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang sinasabi ng Embahada ng Tsina na new model arrangement patungkol sa Ayungin Shoal.
Dahil dito ay muling binigyang diin ng DFA ang solidong posisyon nito na walang pinapasok na anumang kasudnuan ang Pilipinas na nag aabandona sa sovereign rights at jurisdiction nito sa exclusive economic zone at continental shelf kabilang ang Ayungin Shoal.
Pinayuhin din ng DFA ang mga intsik na tigilan ang pagpapakalat ng mga maling impormasyon laban sa mga opisyal ng pamahalaan na nakakalito sa Filipino public at naglalayo sa totoong isyu na ginawa ng China sa pamamagitan ng mga walang basehang pahayag, iligal at agresibong aksyon sa katubigan ng Pilipinas.
Giit pa ng DFA na ang pagtanggi ng kalihim ng national defense at nation security adviser sa sinasabing kasunduan ay nagpapakita lang ng kasinungalingan sa kwento ng China.| ulat ni Lorenz Tanjoco