Inamin ni Senate President Chiz Escudero na siya mismo ang lumapit sa mga senador para kausapin na magkaroon ng palitan sa liderato ng Senado.
Ayon kay Escudero, Huwebes pa lang ay may kinakausap na siya na mga kapwa niya senador tungkol dito.
Samantalang nitong linggo naman ay naisapinal na nila ang resolusyon at nakakuha na rin ng sapat na boto ng mayorya para matuloy ang pagbabago ng liderato ng mataas na kapulungan.
Nilinaw naman ni Escudero na nang lapitan niya ang mga kapwa niya senador ay marami na rin aniyang agam-agam ang ibang mga senador tungkol sa nakaraang liderato.
Sinegundahan rin ni Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada na si Escudero nga ang nag-initiate ng leadership change sa Senado.
Samantala, magkakaroon ng dinner ang mga senador kasama si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. mamayang gabi.
Ito ang unang pagkakataon na dadalo si Escudero sa dinner ng mga senador kasama ang Punong Ehekutibo, at sa pagkakataong ito ay haharap na siya bilang bagong lider ng Mataas na Kapulungan.| ulat ni Nimfa Asuncion