Teroristang Abu Sayyaf na may 21 warrant of arrest, nutralisado sa operasyon ng pulisya sa Tawi-Tawi; 3 pulis sugatan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Namatay sa pakikipaglaban sa mga pulis ang isang notorious na Sub-leader ng Abu Sayyaf Group (ASG) sa Tawi-Tawi, kaninang madaling araw.

Kinilala ang nasawing terorista na si Udom Hassim na may warrant of arrest para sa 17 kaso ng murder at apat na kaso ng frustrated murder.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, nagkaroon ng 30 minutong palitan ng putok sa pagitan ng grupo ni Hassim at pinagsanib na pwersa ng PNP Intelligence Group, Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), at Special Action Force (SAF) na nagtangkang magsilbi ng arrest warrant kaninang alas-4:45 ng umaga sa Bgy. Tandubas, Tawi-Tawi.

Sugatan din sa naganap na bakbakan ang dalawa pang miyembro ng ASG na inabandona ng mga nagsitakas na kasamahan, at ang tatlong pulis na nasa maayos nang kalagayan.

Narekober ng mga pulis sa mga kalaban ang ilang medium-sized heat-sealed plastic sachet na naglalaman ng pinaghihinalaang Shabu, isang M14 rifle, isang M16 rifle, ilang M203 40mm grenade launcher,  isang cartridge ng M203 40mm, ilang mga magasin at bala, at bandolier. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us