Ligtas na sa human consumption ang mga shellfish o lamang dagat na makukuha sa coastal water ng Matarinao bay sa Eastern Samar.
Batay sa ulat ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), negatibo na sa Paralytic Shellfish Poison o toxic red tide ang baybaying dagat.
Samantala, nanatili pa ring positibo sa toxic red tide ang coastal water ng Dauis sa Tagbilaran City Bohol, Dumamguillas Bay sa Zamboanga del Sur at coastal water ng San Benito sa Surigao del Norte.
Pinaalalahan ang publiko na hindi pa maaaring hanguin at kainin ang mga shellfish na nakukuha sa nasabing coastal water.| ulat ni Rey Ferrer