Kampante ang Department of Justice (DOJ) na maibalik sa bansa si dating Negros Oriental Congressman Arnulfo Teves Jr.
Inanunsyo ito sa Saturday News Forum, ni DOJ Assistant Secretary at Spokesperson Mico Clavano matapos aprubahan ng Timor Leste ang extradition request ng bansa laban kay Teves.
May posibilidad na maiuwi sa bansa si Teves sa una o di kaya ay sa huling linggo ng Hulyo kung pagbabasehan ang gagawing proseso.
Depende din kung kailan maghahain ng motion for reconsideration ang kampo ni ng dating kongresista sa loob ng 30 araw para makapaglabas ng pinal na desisyon ang Timor Leste
Umaasa ang DOJ na hindi mababaliktad ang desiyon ng Timor Leste dahil malakas ang argumento ng bansa.
Sa sandaling maiuuwi na ito sa bansa kakaharapin na nito ang kanyang mga kaso kabilang ang pagkakasangkot sa pagkamatay ni dating Negros Oriental Governor Roel Degamo. | ulat ni Rey Ferrer