Sinimulan na ng Department of Finance at Global Green Growth Institute (GGGI) at Asia Disaster Preparedness Center (ADPC) ang 101 orientation and project development workshop for the Philippines.
Ang workshop ay tatakbo ng limang araw na siyang makatutulong sa mga kinauukulang government agencies.
Layon ng aktibidad na maunawaan ang pagpapatupad ng Green Climate Fund kabilang na dito ang accreditation, project concept, funding proposal processes at gender and social inclusion.
Target din nitong i-familiarize ang mga ahensya ng gobiyerno sa financial structuring ng GCF.
Ang aktibidad ay bahagi ng readiness support upang palakasin ang kapasidad at kaalaman ng Pilipinas sa pag-asses ng GCF project.
Nakatakdang tumanggap ang Pilipinas ng US$10 million grant bilang suporta sa pagtugon ng climate hazards.| ulat ni Melany V. Reyes