Sabayang inilunsad sa ikalawang distrito ng Quezon Province ang programang Farmers’ Assistance for Recovery and Modernization (FARM) at Luntiang Alyansa ng Kapuso ng Alona Party List at Serbisyong Suarez (LAKAS).
Bahagi ng FARM at LAKAS ay ang TUPAD PARA SA MAGSASAKA sa pakikilagtulungan ng Department of Agriculture (DA), Department of Labor and Employment (DOLE).
Mahigit 3,000 magsasaka ang nakabenepisyo sa TUPAD PARA SA MAGSASAKA na tumanggap ng halagang P5,200.00 bawat isa.
Bukod dito, may 800 na iskolar, na pawang mga anak ng mga magsasaka, ang binigyan ng tulong pinansyal pang-edukasyon mula sa Department of Social Welfare and Development.
Sa naging talumpati ni Speaker Martin Romualdez na panauhing pandangal, kaniyang binigyang diin ang kahalagahan ng suporta sa mga magsasaka, at ang pagsisikap ng gobyerno na patatagin ang sektor ng agrikultura gaya ng pamamahagi ng mga binhi, makinarya at iba pang mga tulong pagpundar sa pagtatanim.| ulat ni Kathleen Forbes