Welcome si Cavite Governor Jonvic Remulla na mag-inspeksyon ang Presidential Anti Organized Crime Commission (PAOCC) sa mga POGO sa Lalawigan ng Cavite.
Ayon kay Remulla, dapat lang tiyakin na magkakaroon ng tamang koordinasyon sa mga lokal na otoridad gaya ng PNP at warrant kung mag-iinspeksyon ang PAOCC.
Samantala, nilinaw namang muli ng governor na walang hurisdiksyon ang Provincial Government ng Cavite sa Island Cove.
Paliwanag ni remulla, ang PAGCOR ang may hawak sa Island Cove dahil franchisee nila ang POGO doon.
Diretso na aniya sa PAGCOR ang buwis mula sa mga POGO doon at walang permit o clearances na iniisyu ang provincial government doon. | ulat ni Nimfa Asuncion