Mahigit 1,500 binepisyaryo mula sa Valenzuela City ang nakiisa sa People’s Caravan ng National Housing Authority (NHA).
Tinawag na “Serbisyong Dala ay Pag-asa” ang caravan na ginanap sa Disiplina Village Bignay, Brgy. Bignay at layong makapagbigay ng nararapat na serbisyo sa loob ng NHA resettlement sites sa lungsod.
Bukod sa kaloob na job fair ng DOLE at partner agencies nagbigay din ng iba pang serbisyo ang iba pang ahensya ng pamahalaan.
May alok din ang caravan ng livelihood interventions, skill enhancements, scholarship programs, libreng business and capital consultancy at maraming iba pa.
Samantala, nakatakda namang mamahagi ng cash assistance ang NHA sa Region 6 sa may 10,102 pamilya na naapektuhan ni Tropical Storm Ursula sa Aklan.
Kabuuang Php50.510 million pondo ang inilaan dito ng NHA sa ilalim ng Emergency Assistance Program.| ulat ni Rey Ferrer