Nagkasundo ang mga miyembro ng House Committee on Human Rights na magkasa ng motu proprio inquiry in aid of legislation upang tugunan ang nangyayaring paglabag sa karapatang pantao at right to food ng mga Pilipinong mangingisda mula Zambales, Bataan at Pangasinan na pawang namamalakaya sa West Philippine Sea.
Kasunod ito ng liham ng Peoples Development Institute (PDI) at Bigkis ng Mangingisda Federation kay Manila Rep. Bienvenido Abante, chair ng Komite, kung saan hinihingi ang tulong ng mga mambabatas para matulungan ang mga mangingisda na apektado na ang kabuhayan dahil sa patuloy na panghihimasok ng China sa ating teritoryo kung saan sila nangingisda.
“Members voted on the conduct of Motu Proprio Inquiry in Aid of Legislation on the alleged violations on the right to food and other human rights committed against the fisherfolks in Zambales, Bataan and Pangasinan who are engaged in fishing in the West Philippine Sea.” pahayag ni Abante.
Ipinunto sa liham na mula nang kontrolin ng China ang Bajo de Masinloc ay unti-unti nang nabawasan ang kanilang huli.
Sinisira rin anila ng China ang marine habitat at fish ecosystem kaya’t mas umonti ang populasyon ng mga isada.
Dahil sa hindi na rin makapasok ang mga mangingisda sa main lagoon ng Bajo de Masinloc para sumilong kapag may bagyo o sama ng panahon ay napipilitan silang umuwi kahit walang huli.
Bukod pa ito sa intimidation at harassment mula sa Chinese Coast Guard at Chinese maritime militia.
“China’s incursions into the West Philippine Sea have environmental, economic and social impact affecting negatively the Filipino fisherfolk whose right to food and right to personal security are being violated as they lose their main source of livelihood. Without access to BDM’s waters, they are denied entry into its rich lagoon, which also provides shelter during storms. Instead of taking temporary shelter inside the lagoon to wait out storms and resume fishing once the weather clears, they head home with little to no catch that could compensate for their expenses in making the fishing trip.” saad sa liham. | ulat ni Kathleen Forbes