Kumpiyansa ang Department of Transportation (DOTr) na lalo pang lalakas ang kakayahan ng Philippine Coast Guard (PCG) sa sandaling dumating na ang 5 bagong barko nito.
Ito ang inihayag ni Transportation Sec. Jaime Bautista makaraang saksihan nito ang paglalagda sa loan agreement sa pagitan ng Department of Finance (DoF) at ng Japanese Government sa pamamagitan ng Japan International Cooperation Agency (JICA).
Ayon kay Bautista, bahagi aniya ito ng Phase 3 ng Maritime Safety Capability Improvement Project (MSCIP) na magsisilbing morale booster para sa mga tuahan ng Coast Guard.
Sa pamamagitan nito, sinabi ng Kalihim na mapaiigting na nila ag pagbibigay proteksyon sa mga mangingisdang Pilipino sa loob ng Exclusive Economic Zone (EEZ) ng Pilipinas gayundin ay mapalalakas din ang disaster response capability.
Ang 5 bagong 97-meter multi-role response vessel na nagkakahalaga ng mahigit 24 na bilyong piso na mabibili sa ilalim ng loan agreement.
Sa kasalukuyan, my 17 barko ang Coast Guard sa kanilang fleet kabilang na ang 12 barko mula Japan gaya ng BRP Teresa Magbanua at BRP Gabriela Silang.| ulat ni Jaymark Dagala