Naniniwala si House Speaker Martin Romualdez na karapatan ng sinomang Pilipino na may sapat na kuwalipikasyon na tumakbo sa eleksyon.
Ito ang tinuran ng House leader nang mahingan ng reaksyon kaugnay sa plano nina Davao Rep. Paolo Duterte, Davao Mayor Sebastian Duterte at dating Pang. Rodrigo Duterte na tumakbo sa 2025 elections.
Aniya, karapatan naman ito ng mag-aamang Duterte.
“Well it’s a democratic nation that we live in, so any Filipino has the right provided that they have the proper qualifications to seek for higher office.” sabi ni Romualdez.
Sa isang panayam kay Vice President Sara Duterte sinabi niya na tatakbo ang kaniyang mga kapatid at ama sa pagka-senador sa 2025 at plano rin aniya ni Mayor Sebastian na tumakbo sa 2028 sa pagkapangulo.| ulat ni Kathleen Forbes