Pormal nang iprinoklama bilang Archdiocesan Shrine ang St. John the Baptist Parish Church sa San Juan City, ngayong hapon.
Ito ay kasabay ng pagdiriwang ng Wattah-Wattah Festival sa lungsod.
Sa kaniyang mensahe sinabi ni San Juan City Mayor Francis Zamora na napaka-espesyal ng pista ngayong taon, dahil pormal nang inindorso ng alkade kay Cardinal Jose Advincula ang resolusyon na nagdedeklara sa St. John the Baptist Parish Church bilang Archdiocesan Shrine of the St. Baptist.
Bukod dito, opisyal na ring idineklara si San Juan Bautista bilang patron saint ng lungsod.
Ang 130-year-old na St. John the Baptist Parish Church ay isang 19-century Roman Catholic Church na pag-aari ng Archdiocese of Manila.
Samantala, ilang aktibidad din ang isinagawa sa lungsod ngayong Wattah-Wattah Festival kabilang na ang tradisyunal na basaan kaninang umaga, zumba sa Pinaglabanan Shrine, at street dancing competition. | ulat ni Diane Lear