Paalala sa mga residente at negosyante sa Taguig City…
Nagbabala ang Pamahalaang Lungsod ng Taguig laban sa mga taong nagpapanggap na empleyado ng City Hall nito.
Ayon sa Taguig LGU ang mga ito ay mga fixers na iligal na nag-aalok para mapabilis umano ang pagkuha ng mga permit at clearances sa city hall kapalit ng bayad.
Dagdag pa nito na hindi sila konektado sa Pamahalaang Lungsod at labag sa batas ang kanilang ginagawa.
Narito ang ilang paalala ng Taguig City LGU para makaiwas sa panloloko:
- Ang tunay na empleyado ng City Hall ay laging may dalang ID at Mission Order na nagpapaliwanag ng layunin ng kanilang pagbisita;
- Ang mga lehitimong inspeksyon ay isinasagawa nang isang grupo, hindi ng isang indibidwal;
- Hindi hihingi ng bayad ang mga empleyado ng City Hall maliban sa mga bayaring ayon sa batas, na dapat direktang bayaran sa City Treasurer at may kalakip na resibo.
Kung pinaghihinalaang fixer ang isang kausap na tao, huwag umanong mag-atubili na agad itong i-report sa Mayor’s Complaint Center sa numero bilang 02-7795-9944.| ulat ni EJ Lazaro