Target ng pamahalaan na maibaba pa ang presyo ng bigas sa merkado, kasunod ng inaprubahang pagbaba sa 15% mula sa 35% ng duly rate para sa in and out quote ng imported na bigas, hanggang 2028.
Bahagi ito ng kaaapruba lamang na pagbaba sa taripa sa imported rice sa ilalim ng bagong Comprehensive Tariff Program.
Sa press briefing sa Malacañang, sinabi ni NEDA Secretary Arsenio Balisacan na hinihintay na lamang ang executive order na ilalabas ng Malacañang kaugnay dito at posibleng maramdaman ang pagbaba ng presyo ng bigas sa Hulyo o Agosto.
“It will take a little bit more time because an executive order will have to be issued and that will then influence, once this comes out, that will then influence the decision of private sectors to import. They can import, bring in more rice now from the world market at a much lower landed cost, then otherwise, would be the case without the tariff reduction.” -Secretary Balisacan.
Layon aniya ng hakbang na ito na maging mas abot-kaya ang presyo ng bigas para sa mahihirap na Pilipino.
“We are at least aiming for, the Department of Agriculture is aiming for a reduction of 29 pesos per kilo, at least for the poor, because we will complement this tariff reduction with the direct subsidies to the poor and vulnerable so that at least they could access the food, the 29 pesos per kilo,” -Secretary Balisacan.
Inaasahang makakaapekto rin ito sa pagbagal ng inflation sa bansa.
Kaugnay nito, nilinaw naman ng kalihim nakadepende pa rin sa global market price ng bigas ang magiging presyo nito sa mga palengke.
Ngunit dahil sa ibababang taripa, kahit papaano aniya ay maiibsan nito ang mataas na presyo. | ulat ni Racquel Bayan