Batay ito sa pinakahuling ulat ng Department of Education (DepEd) as of 2:30pm ngayong araw, July 28.
Patuloy na magbibigay ng update ang DepEd hinggil sa bilang ng mga Paaralan na suspendido ang pagbubukas ng klase.
Ang dahilan ayon sa DepEd ay dahil sa marami pa ring Paaralan ang kasalukuyang nililinis matapos malubog sa baha bunsod ng Habagat at ng nagdaang bagyong #CarinaPH.
Habang ang iba naman ay gamit pa ring evacuation center ng mga nagsilikas dahil sa sama ng panahon.| ulat ni Jaymark Dagala