Magkakaroon muna ng conciliation meeting ang Senate Committee on Ethics kasama sina Senador Alan Peter Cayetano at Senadora Nancy Binay.
Ito ang magiging proseso kaugnay ng ethics complaint na inihain ni Binay laban kay Cayetano ayon kay senate ethics committee chairman at senate majority leader Francis Tolentino.
Ayon kay Tolentino, bago isalang sa pagdinig ang ethics complaint ay pupulungin niya muna ng magkasabay ang dalawang senador.
Layon aniya nitong magkaroon ng amicable settlement sa pagitan ng dalawa.
Ngayong araw, nagkaroon ng organizational meeting ang Ethics Committee bilang bagong-talaga lang kay Tolentino bilang chairman ng kumite.
Sa naging pagpupulong kanina ay naaprubahan ang rules ng kumite tungkol sa conciliation.
Pinaliwanag ni Tolentino na pagkatapos ng labing limang araw ay pwede na silang magsagawa ng conciliation meeting kung saan paghaharapin sina Cayetano at Binay kasama ang mga miyembro ng Ethics Committee sa isang closed door meeting.
Pagkatapos aniya ng hearing at hindi pa rin magkakasundo ang dalawang senador ay saka magkakasa ng pagdinig ang kumite tungkol sa ethics complaint.| ulat ni Nimfa Asuncion