Hihingi ng suporta ang Department of Agriculture (DA) sa Farmers Cooperatives at Food Producers para tulungan ang Marcos Administration na makapag suplay ng murang presyong pagkain.
Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., tinawag ito na “KADIWA sa BayanAnihan,” isang inisyatiba na nagmula sa Php 29 at Rice-for-All Program ng pamahalaan.
Nilalayon nitong magbigay ng mas mababang presyo ng mga pangunahing bilihin at agricultural products sa pamamagitan ng direktang pagbebenta sa KADIWA Centers sa buong bansa.
Inaasahan ng DA ang “Kabayani” farmers groups at food companies na magtitingi ng basic food items at farm produce sa wholesale prices.
Ayon sa disenyo, ang Php29 Rice Program ay magbebenta ng subsidized rice sa 6.9 milyong kabahayan, katumbas ng humigit-kumulang 34 milyong Pilipino.| ulat ni Rey Ferrer