Naniniwala si dating senador at ngayon ay Chief Presidential Legal Counsel Sec. Juan Ponce Enrile na hindi napayuhan ng tama si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa pagpapahintulot ng operasyon ng POGO sa bansa.
Sa isang ambush interview, nahingan ng opinyon si Enrile ukol sa inilabas na Executive Order 13 ng dating Pangulong Duterte noong 2017.
Sa ilalim ng naturang kautusan pinayagan ang operasyon ng online gambling sa labas ng mga econozone.
Giit ni Enrile, hindi inaral ng mabuti ng nakaraang administrasyon ang pagpapahintulot sa operasyon ng POGO lalo na at banned o ipinagbabawal na ito sa maraming bansa sa Asya gaya ng Cambodia.
“It was ill-advised. They did not study it well. My God, Pogo was banned by Cambodia, banned by many countries in Central Asia, and we adopted it here. And why is it that until now you have focus in Bamban and Porac and without PAGCOR being able to control them? Is that a wise decision? Wise activity?” Ani Enrile
Sabi pa ng dating Senate president, wala sa isip niya o ng sino mang mambabatas ang POGO nang buoin ang RA 7922 o Cagayan Special Economic Zone Act of 1995 gayundin ng kaniyang repasuhin ang PAGCOR Charter.| ulat ni Kathleen Forbes