Naglaan ang Department of Budget and Management (DBM) ang P1.3 billion na budget para sa cancer assistance fund sa taong 2025.
Sa ilalim ng National Expenditure Program for 2025, naglaan ang pondo ang gobiyerno para sa diagnostic at laboratary fees ng ating mga kababayan na may cancer.
Ang pondo ay ipagkakaloob sa mga pasyente na hindi covered ng PHilhealth na nasa ilalim ng walong priority cancer type.
Layon nitong ibsan ang burden ng mga cancer patient sa kanilang gastusin sa pagpapagamut.
Base sa Philippine Institute for Development Studies, nasa 25,000 cases ng cancer ang dumadagdag kada taon habang ang breast cancer at tumaas ng 9500 cases.
Ayon sa pag-aaral ito rin ang isa sa sanhi ng premature death sa Pilipinas.| ulat ni Melany V. Reyes