Pinaalalahanan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang lahat ng business establishments na kilalanin ang mga discounts at iba pang statutory privileges para sa persons with disabilities (PWDs).
Ang paalala ng DSWD ah alinsunod sa mandato ng Republic Act (RA) 10754, o An Act Expanding the Benefits and Privileges of Persons with Disability.
Ibinunyag ni DSWD Assistant Secretary Elaine Fallarcuna na hanggang ngayon ay mayroon pa ring business establishments ang non-compliance sa batas at isa ito sa nireresolba ng ahensya sa pamamagitan ng attached agency nitong National Council on Disability Affairs (NCDA).
Batay sa umiiral na batas, sinumang lalabag dito ay may karampatang parusa at multa mula ₱50,000- ₱200,000 o pagkakulong ng anim na buwan hanggang anim na taon.
Sa mga PWD o mga concerned citizen, maaaring magsampa ng reklamo sa tanggapan ng Persons with Disability Affairs Office (PDAO) . | ulat ni Rey Ferrer