Bilang bahagi ng pagpapalakas ng lokal na produksyon ng semento sa bansa, pinasinayaan ni Trade Secretary Fred Pascual ang isang Japanese cement company.
Sa inilabas na pahayag ng DTI. Nagkakahalaga ang nasabing bagong kumpanya ng PHP 12.8 billion production line.
Ang naturang pasilidad ay inaasahang magpapalakas ng cement production sa Pilipinas at magpapababa ng pag depende ng bansa sa imported na semento.
Ang nasabing pasilidad na Taiheiyo Cement Philippines Inc. (TCPI) sa pamamagitan ng state-of-the-art plant nito sa San Fernando, Cebu ay may inaasahang annual production capacity na 3 million tons.
Ayon kay Pascual ang nasabing investment ay naka align sa Build Better More infrastructure program ng pamahalaan. | ulat ni Lorenz Tanjoco