Ipinababatid ng Public Employment Service Office (PESO) ng Lungsod ng Maynila na extended ang pagbibigay ng lungsod ng “Marangal na Trabaho para sa bawat Manileño”.
Ayon sa PESO-Manila, ngayong Sabado, July 13, ay daan-daang trabaho ang naghihintay sa mga Manileño job seekers mula sa iba’t ibang industriya.
Magmula sa cashiers, drivers, office staff, receptionists, housekeepers, merchandiser, electrician, at iba pa, hinahanap ng mga kompaniyang kalahok sa gaganaping job fair.
Isasagawa ang nasabing job fair, alas-10:00 ng umaga hanggang alas-3:00 ng hapon sa District 1, sa Gregorio Perfecto High School.
Pinapaalalahanan din ang mga aplikante na magdala ng sariling payong, pamaypay at tubig. Gayundin ang black na ballpen at mga resume.
Magsuot din ng casual attire at huwag pa ring kalimutan ang pagsunod sa ipinaiiral na minimum public health standards sa job fair. | ulat ni EJ Lazaro