Isinusulong ng mga ahensya ng gobyerno ang early detection and prevention laban sa sakit na cancer.
Ito’y para mapalawak ang kaalaman ng publiko at maagapan ang nasabing sakit na isa sa mga pangunahing dahilan ng pagkamatay ng tao.
Gayundin , matulungan ang mamamayan partikular ang mga manggagawa para mabigyan ng libreng konsultasyon at laboratory test.
Sinuportahan ang adbokasiya ng Department of Health (DOH), Department of Labor and Employment (DOLE) at Occupation Safety and Health Center.
Ayon kay Sarah Coe, President at CEO ng Genelab Ph, patuloy ang kanilang pakikipag-ugnayan sa mga local government units sa buong bansa para sa mga programa at libreng seminar.
Target nilang maibaba ang kanilang adbokasiya sa mga lokal na pamahalaan upang magkaroon ng libreng serbisyo ang mga Pilipino sa ilalim ng Philhealth at Malasakit Center.| ulat ni Rey Ferrer