May 1,158 kasambahay na naninirahan o nagtratrabaho sa lungsod ng Navotas ang kwalipikadong makakatanggap ng pinansyal na tulong mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Sa abiso ng Navotas LGU, bawat kasambahay ay makakatanggap ng Php3,000 mula sa Ayuda sa Kapos Ang Kita (AKAP) Program ng DSWD.
Gagawin ang pamamahagi ng ayuda sa Biyernes, Hulyo 12, sa Navotas Sports Complex mula alas 7:00 ng umaga hanggang alas 3:00 ng hapon.
Paalala ng LGU,kailangan ang beneficiary mismo ang magki-claim ng kanilang pera.
Kailangan lamang nilang dalhin ang mga requirements sa pag-claim,tulad ng original valid ID at photocopy ng harap at likod nito, Barangay Certificate of Indigency, QR Code ng Navorehistro.
Sundan lamang ng mga ito ang schedule na ayon sa barangay na kanilang kinabibilangan.
Mula 7AM – 9AM ang mga barangay San Jose, Tanza 1 at Daanghari; 9AM – 10:30 AM ang Barangay Tangos North at San Roque; 10:30 AM – 12 NN ang mga barangay ng Tangos South, NBBS, Dagat-Dagatan at Tanza 2.
Pagsapit naman ng 1 PM – 3 PM ang distribusyon ng ayuda sa barangay Sipac-Almacen, Bangkulasi, NBBS Kaunlaran, Navotas West NBBS, Northbay Boulevard North (NBBN) Bagumbayan South (BBS) Bagumbayan North, Navotas East at San Rafael Village.| ulat ni Rey Ferrer