Ipinag-utos na ni NHA General Manager Joeben Tai ang pag-inspeksyon sa lahat ng Yolanda Permanent Housing Project (YPHP) sa lalawigan ng Aklan at Antique.
Alinsunod ito sa kautusan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na pabilisin ang konstruksyon ng mga housing project.
Kabilang sa ininspeksyon ng NHA ang iba’t ibang YPHP site sa mga Phase 1-4, 6A at 6B ng New Washington Housing Project; Olympus Residences 1 at 2; Batan Resettlement 1-4; Kalibo Town Homes; Barbaza Residences 1 at 2; at Patnongon Vista Residences.
Layunin din nito para masuri ang kasalukuyang estado ng mga itinatayong pabahay at matukoy ang mga hakbang upang mas mapabilis ang pagkakaloob nito sa mga nasalanta ng bagyong Yolanda. | ulat ni Rey Ferrer