Kinukonsidera ng Department of Agriculture na maglagay din ng limit sa maaaring bilhing bigas sa ilulunsad na ‘Rice for All’ program ng ahensya ngayong buwan.
Layon ng programa na magalok din murang bigas para sa general public, na bukod pa sa P29 program ng DA.
Ayon kay DA Spokesperson Asec. Arnel de Mesa, gaya ng P29 program, kasama sa pinagaaralan ang lagyan din ng limit sa kung ilang kilo ang maaaring bilhin sa ilalim ng ‘rice for all’ program.
Ito ay para maiwasan aniya ang pang-aabuso sa programa at masigurong mas marami ding mahihirap na makinabang ng programa.
Kaugnay nito, nilinaw naman ni Asec. De Mesa na tanging sa mga Kadiwa Centers lang irrollout ang ‘rice for all’ at hindi sa mga palengke.
Target ng DA na ilunsad din ngayong buwan ang ‘Rice for all’ program at mapalawak ito sa mga Kadiwa Centers sa Visayas at Mindanao sa buwan ng agosto. | ulat ni Merry Ann Bastasa