Senate Ethics Committee chair, paghaharapin muna sina Sen. Binay at Sen. Cayetano bago dinggin ang ethics complaint

Facebook
Twitter
LinkedIn

Natanggap na ni Senate Majority leader at Ethics Committee chairman Senador Francis Tolentino ang reklamong inihain ni Senadora Nancy Binay laban kay Senador Alan Peter Cayetano.

Gayunpaman, aminado si Tolentino na hindi pa niya nababasa ang naturang ethics complaint.

Pinaliwanag rin ni Tolentino na sa ngayon ay kinakailangan pa nilang ayusin ang ethics committee dahil kakahalal lang sa kanya bilang bagong chairman ng kumite.

Kulang pa rin aniya sila ngayon ng isang miyembro.

Matapos nito ay balak niyang magtakda ng conciliatory meeting o pulungin ng sabay sina Binay at Cayetano kasama ang iba pang miyembro ng ethics committee.

Nilinaw naman ng senador na gagawin nila ang conciliatory meeting sa pamamagitan ng isang executive session.

Sakali aniyang walang mangyari sa pagpupulong kasama sina Binay at Cayetano ay saka pag-aaralan ng kumite kung may sapat na basehan para ituloy ang pagdinig sa ethics complaint ni Binay.| ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us