“Very good” at “impressive,” ganito mailalarawan ni Education Secretary Sonny Angara ang ikatlong State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Sa isang ambush interview sa Mandaluyong, sinabi ni Angara na humanga siya sa sinabi ng Pangulo dahil alam nito ang mga dapat pagtuunan ng pansin sa sektor ng edukasyon.
Aniya, maganda ang “vision” ng Pangulo lalo pa’t alam nito ang maitutulong ng pagiging kritikal at paggamit ng makabagong teknolohiya ng mga estudyante.
Paliwanag ni Angara, sang-ayon siya na dapat i-calibrate ang sistema ng edukasyon.
Sa pamamagitan kasi nito ay aangat ang ranggo ng Pilipinas sa Programme for International Assessment (PISA).| ulat ni Diane Lear