Wala ring nakikitang problema si Senate president Chiz Escudero sa napipintong pagharap ni Senador Sonny Angara sa CommissioP on Appointments (CA) bilang bagong talagang kalihim ng Department of Education (DepEd).
Ayon kay Escudero, sa panig ng mga Senador, bibigyan nila ng kaukulang kurtesiya si Angara bilang current member ng Senado at malaman rin sa panig ng kamara ay bigyan rin siya ng courtesy bilang dati rin naman itong naging kongresista.
Sa ngayon ay hindi pa malinaw kay Escudero kung kinakailangan pang mag-resign ni Angara sa Senado dahil hanggang sa susunod na taon pa ang kanyang termino.
Pag-uusapan pa aniya nila ang magiging plano dito.
Pagdating naman sa magiging mamumuno sa Committee on Justice, pag-uusapan nila ito ng iba pang mga Senado dahil inihahalal lang naman ito ng majority ng mga senador.
Wala naman aniyang qualifications na dapat abugado ang mamumuno sa kumite bagama’t mas gusto niyang abugado ang mamuno sa justice committee.| ulat ni Nimfa Asuncion