Ipinaabot ni Speaker Martin Romualdez ang kaniyang pasasalamat sa mga Pilipino matapos makakuha ng mataas na trust at performance rating sa isinagawang Pulse Asia survey para sa buwan ng Hunyo.
Nakakuha ng apat na puntos na pagtaas ang House leader sa kaniyang performance at trust rating.
Mula 31% noong Marso ay umakyat ito sa 35% nitong Hunyo.
Si Romualdez ang may pinakamalaking pagtaas sa ratings sa pinakamataas na opisyal ng bansa batay sa survey.
Ang resulta aniya ng survey na ito ay nagpapakita na nagbubunga ang kanilang pagsusumikap sa Kamara.
“Ikinagagalak nating malaman na patuloy ang pagtaas ng tiwala ng mamamayang Pilipino sa ating kakayahan bilang pinuno ng Kongreso. These results are a clear affirmation of the diligent work and dedication demonstrated by my colleagues here at House of Representatives,” sabi ni Romualdez.
“Leading this esteemed institution has been an honor, and your continued trust and approval inspires us to strive for excellence in all our endeavors. The welfare of the Filipino people remains our top priority,” sabi pa niya.
Nangako ang House Speaker na ipagpapatuloy ang pagpapatupad at pagsusulong ng mga programa na direktang pakikinabangan ng mga Pilipino gaya na lang ng pagpapababa ng presyo ng bigas gayundin ay makakatulong sa pagpapalago ng ekonomiya ng bansa.
“Patuloy nating pagsisikapan na maibaba ang presyo ng bigas at mga pangunahing bilihin. Dadagdagan natin ang pondo ng ayuda para sa mga indigent Filipinos. It is imperative that we support our most vulnerable citizens and provide them with the necessary resources to improve their quality of life,” dagdag niya.
“Mananatili tayong tapat sa ating sinumpaang tungkulin na aalagaan natin ang bawat pamilyang Pilipino. Itutulak natin ang pagkakaisa sa administrasyon ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. na isulong ang interes ng mamamayan,” giit niya.
Malaking bagay naman aniya ang tiwala ng publiko at magsisilbing inspirasyon na lalo pang pagbutihin sa pagtatrabaho at paglilingkod.| ulat ni Kathleen Forbes