3 komite ng Senado, magtutulong-tulong para imbestigahan ang paglabas ng bansa ni Alice Guo

Facebook
Twitter
LinkedIn

Naatasan ang tatlong komite ng Senado na imbestigahan ang isyu ng paglabas ng bansa ni dismissed Mayor Alice Guo.

Ito ay ang Senate Committee on Justice and Human Rights ni Senate Minority Leader Koko Pimentel, Senate Committee on Women ni Senator Risa Hontiveros at ang Senate Committee on Public Services ni Senator Raffy Tulfo.

Ayon kay Pimentel, minsan lang ang pagkakataon na tatlong komite ang mag-iimbestiga sa isang isyu.

Ang imbestigasyon ay batay sa isiniwalat ni Hontiveros noong Lunes na nakalabas ng Pilipinas si Guo, dumating ng Malaysia noong July 18 saka nagpunta ng Singapore.

Una nang hiniling ni Pimentel na gawing secondary committee ang committee meeting on women dahil ito ang unang nag-imbestiga ng isyu kay Guo.

Samantalang minungkahi naman ni Senate President Chiz Escudero na isama sa mag-iimbestiga ang Committee on Public Services bilang sangkot ang pagtakas at pagdaan nito sa sea port o airport ng bansa. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us