80 kilo ng marijuana, nasabat ng PDEG sa Valenzuela

Facebook
Twitter
LinkedIn

Narekober ng Philippine National Police Drug Enforcement Group (PDEG) ang 80 kilo ng marijuana mula sa arestadong suspek sa operasyon sa Brgy. Canumay West, Valenzuela City kaninang alas-9 ng umaga.

Ayon kay PDEG Director Police Brigadier General Eleazar Matta, tinatayang nasa P9.6 na milyong ang halaga ng mga pinatuyong dahon ng marijuana na nakuha sa 49 na taong gulang na suspek.

Ang suspek na kinilalang si alyas “Rich” na residente ng Baguio City ay dinala sa Special Operations Unit-NCR (SOU-NCR) office ng PDEG para sa dokumentasyon.

Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us