Hinikayat ni AGRI Party-list Rep. Wilbert Lee ang Department of Agriculture na maglagay ng dagdag na checkpoint sa mga highway at seaports upang maiwasan ang pagkalat ng African Swine Fever (ASF).
Mungkahi niya makipag tulungan ang DA sa Philippine National Police Highway Patrol Group (PNP-HPG) at Philippine Ports Authority (PPA) pati na ng MMDA para madagdagan ang checkpoints ng BAI.
Sa kasalukuyan mayroong anim na meat inspection checkpoints sa NCR upang masiguro na ASF free ang mga baboy na dinadala sa mga slaughterhouse.
Paalala pa ng mambabatas na hindi maaari kumalat muli ang ASF lalo at wala pa aniyang sapat na bakuna sa bansa laban dito.
“Napaka-crucial ng mahigpit na pagbabantay para hindi na kumalat ang ASF na dahilan ng sobrang pagkalugi ng ating mga magbababoy. Milyon-milyon po ang nalulugi sa ating mga hog raisers, paano naman ang mga pamilya nila na dito lang inaasa ang pantustos sa pagkain at iba pang pangangailangan?” sabi ni Lee
Kamakailan lang ang nahuli ng BAI ang dalawang truck sa Quezon City na may bitbit na mga baboy na positibo sa ASF at papunta ng Pangasinan. | ulat ni Kathleen Forbes