Nakaumang ang panibagong balasahan sa Philippine National Police (PNP) sa napipintong pagreretiro ni PNP Deputy Chief for Administration Police Lieutenant Gen. Emmanuel Peralta, ang pangalawang pinakamataas na opisyal ng Pambansang Pulisya.
Si Peralta, na 33-taong nagsilbi sa PNP ay magreretiro sa serbisyo bukas, Agosto 24, pagsapit ng kanyang ika-56 na kaarawan.
Una nang sinabi ni PNP Public Information Office Chief Police Colonel Jean Fajardo na bilang “standard practice”, isang Officer in Charge (OIC) muna ang pansamantalang hahalili sa posisyong babakantehin ni Peralta.
Ang mga nakalinya sa pwesto ni Peralta base sa seniority ay sina: PNP Deputy Chief for Operations (DCO) PLt. Gen. Michael John Dubria, ang pangatlong pinakamataas na opisyal ng PNP; at si Chief of Directorial Staff (TCDS) Lt. Gen. John Arnaldo, na pang-apat na pinakamataas na opisyal.
Kabilang din sa mga senior officers na possibleng kandidato sina: PLt. Gen. Robert Rodriguez, Commander ng Area Police Command Visayas; PMaj. Gen. Jose Melencio Nartatez, Regional Director ng National Capital Region Police Office (NCRPO); at PMaj. Gen. Neil Alinsangan, Director ng PNP Directorate for Comptrollership.
Ang pag-angat ng mga opisyal sa pamunuan ng PNP ay inaasahang lilihka din ng pagtaas ng pwesto ng mga iba pang senior na opisyal. | ulat ni Leo Sarne