Kinilala ngayon ni Speaker Martin Romualdez ang Pinoy gymnast na si Carlos Yulo bilang “sports hero” at “national treasure” matapos masungkit ang gintong medalya sa men’s final floor exercise sa paris Olympics 2024.
Ang makasaysayan aniyang pagsungkit ni Yulo sa unang Olympic medal sa gymnastics at ikalawang ginto ng Pilipinas mula nang sumali sa Olympics 100 taon na ang nakaraan ay sumisimbolo hindi natitinag na loob at katatagan ng mga Pilipino.
“Today, we celebrate a monumental achievement that resonates deeply with every Filipino heart. Carlos Edriel Yulo has not only soared to the pinnacle of athletic excellence but has also emerged as a sports hero and national treasure, igniting a beacon of hope and inspiration for all Filipinos,” anang House Speaker.
“We celebrate Caloy’s outstanding contribution and his role as an inspiration to future generations of athletes. He is not just a champion; he is our sports hero and national treasure whose legacy will inspire countless young Filipinos,” dagdag niya.
Maliban sa P3 million na insentibo ng Kamara ay pararangalan din si Yulo ng congressional medal.
“Caloy has earned this reward through sheer hard work and unmatched talent. This incentive is a testament to our unwavering support for Filipino athletes who strive for greatness on the global stage,” sabi ni Speaker Romualdez.
Sa mga atleta naman na makakakuha ng silver medal, sila ay pagkakalooban ng Kamara ng P2 million at P1 million para sa bronze medalists.
Nagpahayag din ng suporta si Speaker Romualdez sa Pinay boxer na si Aira Villegas na may tiyak nang may medalyang maiuuwi na tubong Tacloban.
Umaasa rin ang House leader na makapag-uwi ang kababayan ng isa pang ginto.
“As a fellow Taclobanon, I am incredibly proud of Aira, our Tacloban champion, for securing at least a bronze medal after her hard-earned victory against a French rival…With her tenacity and talent, Aira still has a chance to bring home either a silver or gold medal. Tacloban City and the entire country are cheering on her every step of the way,” sabi niya.
Patuloy din ang paghimok ni Romualdez na magkaisa ang bawat Pilipino sa pagbubunyi sa panalo ng ating mga atleta.
“Let us come together to honor Caloy, whose dedication and excellence have brought us immense pride and joy. His victory is not just a personal triumph; it is a triumph for every Filipino, a beacon of what we can achieve together,” sabi pa niya.| ulat ni Kathleen Forbes