Itatampok ng lokal na pamahalaan ng Quezon City ang inclusive climate action initiatives nito sa C40 Cities Southeast Asia Regional Academy bilang bahagi ng Climate Action Implementation (CAI) Programme na suportado ng UK government’s Urban Climate Action Programme (UCAP).
Nakatakdang isagawa ang C40 CAI Southeast Asia Regional Academy, sa September 2 hanggang 6, 2024 na dadaluhan ng mga lider, policymakers, at delegado mula sa Southeast Asia, Africa, at Latin America.
Kabilang sa mga programa ng lungsod na nakatuon sa Inclusive Climate Action ay ang green jobs na isang programa para sa mga informal na manggagawa sa basura, paglikha ng isang libro sa klima para sa mga bata, at pagbibigay ng trabaho sa mga taong may kapansanan.
Matatandaang noong 2022, nang nakiisa si Quezon City Mayor Joy Belmonte sa panawagan na lumikha ng 50 milyong trabaho sa C40 World Mayors Summit sa Buenos Aires, Argentina.
“By creating employment, protecting residents’ health, and reducing emissions through sustainable food consumption, clean energy, ecological transport, and circular economy, among others, we showcase the powerful impact of climate action beyond traditional efforts,” pahayag ni Belmonte.
Sa ngayon, nasa 25,000 na trabaho na ang nalikha ni Belmonte kung saan nakinabang ang mga nasa vulnerable sector.
Karamihan sa trabaho ay sa urban farming, waste management, at renewable energy sector.
“Quezon City’s transformative program, Joy of Urban Farming and Grow QC, has created jobs for thousands of residents and revolutionized the local food system. These urban farmers now harvest nutritious food from more than one thousand farms in Quezon City, thereby increasing the consumption of healthy, plant-based food while cutting emissions from inefficient supply chains ” pahayag nI Belmonte. | ulat ni Merry Ann Bastasa