Comprehensive Anti-Discrimination Bill, nakatakda nang talakayin sa plenaryo ng Senado

Facebook
Twitter
LinkedIn

Naiprisinta na ni Senate Committee on Social Justice Chairperson Senator Imee Marcos ang panukalang layong tugunan ang lahat ng uri ng diskriminasyon at karahasan…ito ang Senate Bill 2766 o ang Comprehensive Anti-Discrimination bill.

Sa ilalim ng panukala, itinataguyod ang dignidad at pagkakapantay-pantay anuman ang edad; lahi; etniko o katutubong pinagmulan; relihiyon; paniniwalang pulitikal; estado sa buhay; kasarian; sexual orientation, identity o expression; marital relationship status; health status; trabaho; physical features; at iba pa.

Itinatakda nito ang pagpapataw ng parusa sa magdudulot ng stigma at mag-uudyok ng karahasan o sekswal na pang-aabuso, at magkakait ng mga karapatan sa sinuman.

Exempted naman sa pinapanukalang batas na ito ang occupational qualifications; religious considerations alinsunod sa batas, public order, o public policy; at kung ang isang aksyon ay ginawa para matulungan ang isang tao o grupo.

Sinumang mapapatunayang lumabag sa anumang probisyon nitong panukala ay papatawan ng parusang pagkakakulong ng mula siyam na buwan hanggang 12 taon o multa na mula P100,000 hanggang P500,000.

Ang multang makokolekta dito ay ire-remit sa Commission on Human Rights (CHR) para matulungan ang mga biktima ng diskriminasyon.

Itinatakda rin na pangunahan ng CHR ang isang inter-agency council on non-discrimination and equal opportunity.

Ito ay isang advisory at recommendatory body na magtataguyod ng mga programa kontra diskriminasyon at pagpapalaganap ng diversity sa bansa. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us