Suportado ni Bicol Saro Partylist Rep. Brian Raymond Yamsuan ang panukalang dagdagan ang pondo para sa pagkain at medical allowance ng mga persons deprived of liberty o PDLs.
Sa ngayon, nasa 70 pesos and daily budget para sa isang araw na pagkain ng mga PDLs habang 15 pesos naman ang kanilang daily medicine allowance, bagay na hindi sapat upang punuan ang nutrisyon ng mga ito ayon kay Yamsuan.
Sa ginawang budget deliberation ng House Committee on Appropriations sa BJMP budget, hiniling ni Jail Director Ruel Rivera na itaas sa 100 pesos ang pagkain at 30 pesos naman sa daily medicines ng mga PDLS.
Ayon pa kay Yamsuan.. maging ang Commission on Human Rights ay sinuportahan ang hiling ng BJMP upang matiyak ang humane conditions and adequate resources para sa reformation ng mga PDLs.
Sa ilalim ng kanyang House Bill 8672, layon nitong i-transform ang penal at detention facilities sa bansa. | ulat ni Melany Reyes