DSWD, muling iginiit ang social pension ay para lang sa mahihirap na senior citizens

Facebook
Twitter
LinkedIn

Muling nilinaw ng Department of Social Welfare and Development (DSWD)na para lamang sa mga mahihirap na senior citizens ang Social Pension Program.

Ayon kay DSWD Assistant Secretary Irene Dumlao, kwalipikado sa Social Pension for Indigent Senior Citizens Program ay ang mga senior citizen na mahihina, may sakit o may kapansanan, at walang pensiyon o permanenteng pinagkukunan ng kita, kompensasyon o tulong pinansyal mula sa kanyang mga kamag-anak.

Naglabas ng pahayag ang DSWD dulot ng pagkalito ng karamihan partikular na ang mga senior citizen, matapos na kumalat sa social media ang video clip ng isang district representative na nagsasabing lahat ng mga may edad 60 pataas ay makakakuha ng pension.

Sa ilalim ng programa, binibigyan ng P500 kada buwan ang mga benepisyaryo para pandagdag sa kanilang pangangailangan.

Alinsunod sa bagong batas naging P1,000 mula sa P500 ang benepisyo ng mga senior citizen simula Enero ngayong taon.

Ang batas na kasalukuyang ipinapatupad ng DSWD ay sumasaklaw sa kabuuang 4,085,066 qualified “indigent” senior citizens, at hindi pa sa lahat ng senior citizens sa bansa na itinuturing na “universal coverage”. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us