Pinag-aaralan na ng Office of the Solicitor General kung kailangan ba ng batas para ma-recognize at maipatupad ang 2016 Hague ruling sa West Philippine Sea.
Ayon kay Solicitor General Menardo Guevarra, bagamat may mga patakaran naman ang Korte Suprema hinggil sa mga international ruling subalit ito ay patungkol lamang sa mga pribadong isyu gaya ng diborsyo o kautusan ukol sa pera subalit wala pa aniya sa public international law gaya ng agawan ng teritoryo.
Kaugnay nito ay duda rin si Guevarra kung magdedesisyon ang Korte Suprema sa Hague ruling na malinaw aniyang isyung politikal.
Giit nito na sa halip na dalhin sa Korte Suprema, mas mabuti aniyang gumawa na lamang ng batas ang Kongreso tulad nang ginagawa na sa Maritime Zones Bill at Archipelagic Sea Lanes Bill.
Una nang sinabi ni Senate President Chiz Escudero na kung magdedesisyon ang Korte Suprema sa arbitral award, kinakailangan na itong sundin ng mga susunod na administrasyon. | ulat ni Lorenz Tanjoco