Nagsimula na ang Las Piñas City health and wellness caravan para sa mga residente sa lungsod, kaninang 8 ng umaga.
Ayon sa pamahalaang lungsod, layunin ng health caravan na mula sa inisyatiba nina Mayor Mel Aguilar at Vice Mayor April Aguilar, na maghandog ng libre at dekalidad na serbisyong medikal sa mga Las Piñeros na gaganapin sa Almanza Uno Covered Court, Barangay Almanza Uno.
Inaasahang tatagal ang nasabing caravan hanggang mamayang 2 ng hapon.
Dahil dito ay hinihikayat ng lokal na pamahalaan ang mga Las Piñero na nangangailangan ng atensiyong medikal na samantalahin ang nasabing programa upang makatanggap ng libreng iba’t ibang serbisyo.
Ang naturang caravan ay pangangasiwaan ng mga doktor at health professionals mula sa City Health Office. | ulat ni Lorenz Tanjoco