Asahan na ang katamtaman hanggang sa may kalakasang pag-ulan ngayong umaga sa ilang lalawigan sa Luzon kabilang ang Metro Manila.
Sa inilabas na thunderstorm advisory ng PAGASA, mararanasan ang mga pag-ulan na sasamahan pa ng pagkidlat at malakas na hangin sa mga lalawigan ng Cavite, Laguna, Rizal, Bulacan at Tarlac.
Kasama din sa makararanas ng mga pag-ulan ang Bataan (Bagac, Balanga, Pilar, Orion, Limay, Morong), Zambales (San Narciso, San Marcelino, San Felipe, Botolan), Metro Manila
(Manila, Quezon City, San Juan, Mandaluyong, Pasay, Malabon, Caloocan, Navotas) at Porac sa Pampanga.
Sabi pa ng PAGASA, maging sa mga kalapit lugar nito ay makararanas din ng mga pag-ulan.
Paalala sa publiko ng PAGASA na mag-ingat sa epekto ng malalakas na pag-ulan tulad ng flash flood at landslide. | ulat ni Rey Ferrer