Sinusugan ni Lakas-CMD Executive Vice President at House Majority Leader Mannix Dalipe ang paglilinaw ni Partido Federal ng Pilipinas National President Governor Reynaldo S. Tamayo, Jr. na hindi pa naisasapinal ng administrasyon ang senatorial lineup para sa 2025 elections.
Ani Dalipe, batid nila na marami ang nagpakita ng interes sa mga pangalang lumutang na magiging bahagi ng senatorial slate ng Alyansa Para sa Bagong Pilipinas.
Gayunman, hindi aniya ito opisyal at maituturing na speculative.
Batay aniya sa napagkasunduan, isusumite ng mga political party ang listahan ng kanilang nominees hanggang September 15.
“The reports stem from a meeting where political parties supporting the administration of President Ferdinand Marcos, Jr. were asked to submit their respective nominees by September 15. However, it is important to emphasize that any list circulating at this point is not official and should be regarded as speculative.” sabi ni Dalipe
Matapos nito ay dadaan sa ebalwasyon ng party leaders ang nominasyon hanggang sa maisapinal ang senatorial lineup.
Sa paraang ito aniya ay masisiguro na ang mga kandidato na malakas, may kakayahan at kaisa sa hangarin ng bansa ang kanilang mabuo.
“This collective decision-making process ensures that we present the strongest and most capable candidates to the electorate, fully aligned with our shared vision for the country. We urge everyone to remain patient and allow the process to unfold. Rest assured, the Alyansa Para sa Bagong Pilipinas is committed to selecting candidates who embody our vision for a better future for all Filipinos.” dagdag ni Dalipe | ulat ni Kathleen Forbes