Kabuuang P50-B na pondo ang inilaan ng pamahalaan para sa modernization program ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa ilalim ng 2025 National Expenditure Program o NEP.
Ayon kay Surigao del Sur Rep. Johnny Pimentel determinado ang Kongreso na tiyaking tuloy-tuloy ang pagpopondo sa mga proyekto upang lalo pang mapalakas ang national defense capabilities ng ating militar.
“In the 2025 national budget, the sum of P50 billion in capital outlays has been earmarked to be used exclusively to support the funding requirements of the military’s ongoing modernization projects,” sabi ni Pimentel.
Ang naturang halaga ay 25 percent o P10 billion na mas mataas kumpara sa kasalukuyang pondo ng AFP para sa pag-bili at pag-upgrade mg military hardware at systems.
Nito lang Abril, inilabas ng DBM ang P6 billion na kabayaran para sa dalawang bagong multi-role missile corvettes mula South Korea.
Sa Huwebes, August 29, nakatakdang sumalang sa budget briefing sa Kamara ang Department of National Defense kung saan nakapaloob ang AFP. | ulat ni Kathleen Forbes