Nasa 81,000 liters ng oil waste, naalis na ng pamahalaan mula sa lumubog na MT Terranova; Siphoning procedure, nagpapatuloy

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nasa 81,000 litro na ng oil waste ang nahigop ng pamahalaan mula sa lumubog ng MT Terranova sa Limay, Bataan, noong kasagsagan ng Bagong Carina.

Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni PCG Bataan Station Commander Michael Encina na mula ito noong August 19 kasabay ng ginawa nilang testing ng equipment, hanggang kahapon (August 21).

Nasa 6,500 liter per hour aniya ang oil rate o ang nakukuha nilang langis.

Sabi ng opisyal, posibleng higit dalawang linggo ang kakailanganin upang matapos ang siphoning procedure sa industrial fuel, lalo’t malaki ang epekto ng sea at weather condition sa effort na ito.

Bukod dito, kailangan rin aniya nilang isaalang-alang na walang maganap na oil leak, at kailangang rin ma-maintain ang oil flow o pagdaloy ng langis sa kanilang equipment habang ito ay hinihigop.

“Patuloy po iyong ginagawa ng ating coast guard, ng ating mga salvor, ang Harbor Star at ang Malayan Towage, doon naman sa containment effort natin na ginagawa dito sa ground zero. So, for the siphoning po, ang ating intention dito talaga po is tanggalin lahat ng mga contaminants, meaning po, ito pong IFO, iyong 1.4 million liters ng langis dito po sa lumubog na Motor Tanker Terranova.” —Encina. | ulay ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us