Limang araw na nagsagawa ng Gender and Development Pool of Trainer’s Training ang National Housing Authority (NHA) para mga piling opisyal at kawani ng ahensya.
Ayon kay NHA General Manager Joeben Tai, ang aktibidad na ito ay bahagi ng commitment ng ahensya sa gender equality.
Nilalayon nitong makapagtalaga ng mga bihasa at competent in-house trainers na magtuturo ng kaalaman sa gender sensitivity at equality sa mga tanggapan, komunidad at pamilya.
Alinsunod sa inaprubahang NHA 2024 GAD Plan and Budget, ang mga bagong trained personnel ay inaasahang mangasiwa sa Gender Sensitivity Training and Orientation on Related Laws (GST-ORL) para sa mga benepisyaryo ng pabahay.
Ang isang linggong pagsasanay ay bahagi ng matagal nang commitment ng NHA na bumuo ng mga progresibong komunidad.
Habang sinisiguro ang kaligtasan at kaginhawaan ng mga benepisyaryo, pati na rin ang paglinang at pagkilala sa kanilang mga kakayahan anuman ang kanilang kasarian. | ulat ni Rey Ferrer