Hiniling ng Office of the Ombudsman sa House Appropriations Committee na dagdagan ang kanilang budget para sa taong 2025.
Sa deliberation ng budget ng Ombudsman iprinisinta nito ang kanilang 2025 budget na P5.824 billion sa ilalim ng National Expenditure Program, mas mababa sa kanilang hiling sa Department of Budget and Management (DBM) na nasa P8.573 billion.
Ayon kay Ombudsman Samuel Martires, kelangan nila ng dagdag na pondo para sa kanilang plano na mag-hire ng karagdagang mga abogado na siyang itatalaga sa kanilang itatag na mga satellite offices.
Dahil din aniya sa nangyaring hacking sa kanilang IT system, kailangan nila ng dagdag na pondo para i-upgrade ang kanilang IT system.
Plano rin ng institusyon na dagdagan ang bilang ng mga abogado dahil anya ang kasalukuyang problema nila ay kulang ang mga abogado.| ulat ni Melany V. Reyes