Ipinahayag ng dating senador na si Gringo Honasan ang buong suporta nito sa plano ng Philippine Coast Guard (PCG) na makakuha ng bagong hospital ship at pagtatayo ng first responder station para sa pagsasagawa ng mga marine search and rescue operations.
Sinasabing nangangailangan ng budget na aabot sa P385.7 milyon ang kakailanganin para sa hospital ship at karagdagang P90 milyon para naman sa pagtatayo sa responder facility.
Binigyang-diin ni dating Senador Honasan, na isa ring dating koronel ng Army at tagapangulo ng komite sa pambansang depensa ng Senado, ang kahalagahan ng mga proyektong ito sa pagsagip ng buhay at ang mahalagang papel ng PCG sa seguridad sa karagatan partikular lalo na mga kamakailang insidente na kinasasangkutan ng mga patrol vessel nito sa West Philippine Sea.
Habang pinupuri ni Honasan ang mga pagsisikap ng PCG, iginiit naman nito na dapat pa ring makakuha ng mga military hospital ship ang Armed Forces of the Philippines (AFP) upang palakasin ang operasyon ng disaster relief at humanitarian aid nito sa buong kapuluan.| ulat ni EJ Lazaro