Malaking insulto para kay Lanao del Sur Representative Zia Alonto Adiong na nagawang makalabas ng bansa ni Alice Guo.
Aniya insulto rin ito sa justice system ng Pilipinas.
Sinabi ng mambabatas, hindi dapat nawala sa paningin ng mga ahensya ng pamahalaan si Guo lalo at iniimbestigahan na ito.
Kaya naman suportado niya ang pahayag ng Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na pananagutin ang nasa likod ng pagpapatakas kay Guo.
“Para sa akin nakaka-insulto po iyon sa… justice system ng ating bansa. I’m more concerned really of how she was able to fly out of the country… Dapat po kasi ang expectation natin is all those agencies…that may have have something to do with keeping those who have been linked to this investigation keeping them within our grasp doon ako nagwo-worry…indeed meron po dapat mananagot dito dahil hindi ako naniniwala na nakalabas lang ho siya on her own,” wika ni Adiong.
Sa panig naman ni Deputy Majority Leader Janette Garin, kailangan din aniya ng paghihigpit sa border control.
Bilang binubuo ng isla ang Pilipinas, posible aniya na hindi eroplano bagkus ay barko ang sinakyan ni Guo.
“We really support the President kasi may ongoing investigation. However, we also would like to explore if indeed it is a flight or… contiguous kasi ang Pilipinas din doon sa malalapit na islands. You can go to Malaysia, you can go to like nearby areas and that should be explored and I think that is also where our borders can be tightened,” sabi ni Garin.
Dagdag naman ni 1Rider Party-list Representative Rodge Gutierrez na ang pagtakas ni Guo ay nagpapakita kung paanong na-corrupt ng POGO ang mga nasa gobyerno.
“This really highlights po yung social ills that POGO brings…We see that it’s not just isolated to the issue of whether or not this person is able to run whether or not this person is able to evade the law but it speaks of yung nakakasilaw po talaga yung POGO it seems to be it is corruption manifest in whatever branch of government,” ani Gutierrez. | ulat ni Kathleen Jean Forbes